Talas: Tungo sa Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip

Talas: Tungo sa Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip

Fiilipino

Details

Ang seryeng TÁLAS: Tungo sa Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip ay nakabatay sa Revised K to 10 Kurikulum ng K to 12 Program ng Department of Education. Ito ay idinisenyo upang humubog ng mga mag-aaral na may kapakipakinabang na literasi, may mahusay na kakayahan sa paggamit ng wika, at may natatanging kaalaman sa pagsusuri at paglikha ng iba’t ibang uri ng teksto.

Pinatatalas ng serye ang pagkamalikhain, inobasyon, kolaborasyon, at mapanuring pag-iisip na magiging daan sa kanilang paglikha ng sariling kaalaman o pagkatuto, paglalapat ng mga kaalaman sa pang-araw-araw na buhay, at sa huli’y maghahanda sa kanila upang maging mga mamamayang globally competitive at handa sa hinaharap (future-ready).

Mga Katangian ng Serye:
• Matapat na nakabatay sa Revised K to 10 Kurikulum at nakasuporta sa tunguhin nito
• Pinasimple at pinagaan
• Tinitiyak ang pagiging mayaman at interesante ng nilalaman
• Pinalalakas ang sariling identidad ng mga mag-aaral at nililinang ang kanilang kultura
• Isinasaalang-alang ang kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral

TALAS: Tungo sa Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip 1 WIKA

  • Nelson E. Belardo
  • Rhenee Rose R. Camerino
  • Flovica P. Cuadra
  • Lilibeth M. De Vera
  • Joana Grace Gutierrez-Ychon
  • John Paul M. Ramirez
  • Sheryl T. Ramirez
  • Carmela S. Regir
  • Rosalyn G. Sagayno
  • Honeylee A. San Diego
  • Mary Joy M. Vargas
  • Rafaela D. Villanueva

TALAS: Tungo sa Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip 1 PAGBASA AT LITERASI

  • Lilibeth O. Daplin
  • Mardelyn G. Dote
  • Lorenz Allan. M. Españo
  • Vina F. Llorente
  • Margerie I. Lozada
  • Myraflor B. Perez
  • Maricar L. Ramirez
  • Maricel S. Sindayen
  • Karen S. Villanueva
  • Rafaela D. Villanueva

TALAS: Tungo sa Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip 2

  • Princess L. Angeles
  • Jinky D. Dela Rosa
  • Amie G. Estandarte
  • Jenny Rose C. Francisco
  • Ana Marie C. Ibañez
  • Michelle T. Monteiro
  • Maricar L. Ramirez
  • Maricel S. Sindayen

TALAS: Tungo sa Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip 3

  • Ivy Claire E. Acquebay
  • Jocelyn B. Agito
  • Renato C. Campos, Jr.
  • Diana F. Delos Santos
  • Erwin S. Forcado
  • Alyssa Marie R. Mendoza
  • Ma. Cristina A. Narvas
  • Allyn M. Pet
  • Joy T. Tatad
  • Milva T. Tiad
  • Flordelyn T. Umagat, EdD
  • Donna V. Lacerna

TALAS: Tungo sa Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip 4

  • Lilibeth O. Daplin
  • Lorenz Allan M. Españo
  • Arnaldo O. Estareja
  • Pedilyn P. Florendo
  • Ma. Aira E. Robles
  • Honeylee A. San Diego
  • Maricel S. Sindayen
  • Rafaela D. Villanueva

TALAS: Tungo sa Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip 5

  • Arnaldo O. Estareja
  • Florita R. Matic, PhD

TALAS: Tungo sa Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip 6

  • Margerie I. Lozada
  • Florita R. Matic
  • Daisy V. Mendiola
  • Susan V. Molina
  • Sheryl T. Ramirez
  • Rafaela D. Villanueva

TALAS: Tungo sa Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip 7

  • Dinalene C. Babac
  • Editor: Niña Christina L. Zamora, PhD

TALAS: Tungo sa Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip 8

  • James Castillo
  • Annaly M. Gonzales
  • Leo A. Tolentino
  • Gina B. Valdez
  • Editor: Niña Christina L. Zamora, PhD

TALAS: Tungo sa Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip 9

  • Rosemarie A. Abellera
  • Editha D. Baesa
  • Theresa DL. Bermejo
  • Sheila G. Lim
  • Aileen May L. Morales
  • Sofia SD. Quilbio
  • Grace I. Yumul
  • Editor: Niña Christina L. Zamora, PhD

TALAS: Tungo sa Mapanuri at Malikhaing Pag-iisip 10

  • Reymart G. Quiñones
  • Justine A. Wong
  • Editor: Niña Christina L. Zamora, PhD

MGA BAHAGI NG TEKSBUK

Pambungad ng Yunit: Tampok nito ang panghikayat na larawan at mahalagang kaisipang nilalayong makikintal sa mag-aaral mula sa kaniyang natutuhan sa yunit.

Paunang Pangyunit na Pagtatasa: Ito ang pagsusulit sa simula ng yunit upang sukatin ang kaalaman ng magaaral o ang kaniyang antas ng pagkatuto sa mga paksang tatalakayin.

Pambungad ng Aralin: Tampok sa bahaging ito ang mga layunin sa pagkatuto, ang pagpapahalagang pokus sa aralin, at ang introduksiyon o pagpapakilala sa aralin.

Talas-Tuklas: Itinatampok sa bahaging ito ang pangganyak upang lalo pang mapukaw ang interes ng mga mag-aaral sa aralin.

Talastasang-Teksto: Sa bahaging ito ay itinatampok ang tekstong babasahin. Ilalantad ng aklat ang mga mag-aaral sa iba’t ibang uri ng teksto. Mula sa mga babasahing teksto ay hahanguin ang mga lunsaran para sa pagtuturo ng mga kasanayang lilinangin.

Talas-Salitaan: Tampok sa bahaging ito ang gawain para sa talasalitaan na maaaring paghahawan ng balakid o pagkinang ng kasanayang pangtalasalitaan.

Talas-Isip: Nakalaan ang bahaging ito sa mga tanong pang-unawa na susukat sa pag-intindi ng mag-aaral sa binasa at susubok sa kakayahan niya sa pagiging mapanuri.

Talas-Basa: Nililinang sa bahaging ito ang kasanayan sa pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto.

Hasaang-Biswal: Hinahasa sa bahaging ito ang mga kasanayan sa panonood at presentasyon, partikular na ang ugnayan ng teksto at elementong biswal upang lalong maiugnay ang pagkatuto sa tunay na danas ng mga mag-aaral.

Panday-Hasa: Ito ay mini-performance task. Mula sa mga kasanayang malilinang at mahahasa sa mga gawaing ito ay inaaasahang magagawa ng mag-aaral ang pang-yunit na inaasahang pagganap.

Mga Napatalas Ko sa Araling Ito: Paglalagom ng aralin

Hasa Na Ba Ako? Pansariling pagsusuri ng mga mag-aaral sa mga kasanayang natutuhan sa aralin.

Panghuling Pangyunit na Pagtatasa: Pagsusulit sa pagtatapos ng yunit

 

Request Evaluation Copy