Publisher: Vibal Foundation
Dimensions: 5.25″ x 8.25″
Pages: 80
Publication Year: 2025
ISBN: 978-971-97-1077-6
Language: English
Enrique S. Villasis’s Chaos Theory, his third book of poems, straddles the line between scientific formula and lyrical memory. Here, time bends, atoms reflect, and the possibilities of the multiverse are brought to life. This collection maps the invisible frameworks of personal and historical grief: the bladeless knife, the flutter of a butterfly’s wing that will create a deluge, the radioactive silence of a destroyed city, the weight of the haunting of namesakes. Through sharp yet delicate investigations and imagery, Villasis translates scientific equations into the lyrical language of wonder and grief.
Original Filipino text:
Tumatawid ang Chaos Theory ni Enrique S. Villasis, ang kaniyang ikatlong aklat ng mga tula, sa pagitan ng siyentipikong pormula at lirikong alaala. Dito, bumabaluktot ang oras, naninimdim ang mga atomo, at binubuhay ang mga posibilidad ng multiberso. Minamapa ng koleksiyon na ito ang mga hindi natin nakikitang balangkas ng personal at historikal na lumbay: ang wala nang talim na kutsilyo, ang pagaspas ng pakpak ng paruparo na lilikha ng delubyo, ang radyo aktibong katahimikan ng nawasak na lungsod, ang bigat ng pagmumulto ng mga magkakapangalan. Sa pamamagitan ng mga matalim ngunit maselang pagsisiyasat at imahen, isinalin ni Villasis ang mga siyentipikong ekwasyon sa lirikal na wika ng pagkamangha’t pagdadalamhati.