Ang Linangan Tungo sa Maginhawang Lipunan Serye ay nakabatay sa Revised K to 10 Kurikulum ng K to 12 Program ng Department of Education.
Ang baitang 1-3 ng seryeng ito ay sumasaklaw sa asignaturang Makabansa—ang integratibong pagtalakay sa mga disiplinang sining at kultura, sibika, kasaysayan, at kagalingang pangkatawan.
Ang baitang 4 hanggang 10 naman ay sumasaklaw sa pag-aaral ng Araling Panlipunan na may pangunahing layunin na hubugin ang pangkabuoang pag-unlad ng Pilipinong mag-aaral na nagtataglay ng mga kakayahang kinakailangan para sa ika-21 siglo.
Binibigyang-diin sa seryeng ito ang paghubog ng mga mag-aaral na may kamalayan sa kanilang mga kakayahan, karapatan, at tungkulin na makapanghihikayat sa kanila na maging responsable at mapanagutang mamamayan.
Kabilang sa mga tampok na katangian ng seryeng ito ang mga sumusunod:
• Nakadisenyo ang mga gawain at pagtataya batay sa iba’t ibang teorya ng pagtuturo at pagkatuto tulad ng konstruktibismo, magkatuwang gayundin ang indibidwal na pagkatuto, at pangkaranasan at pangkontekstong pagkatuto.
• Mababakas sa mga paksa at nilalaman ng Baitang 1-3 ang pagtatahi o paguugnay-ugnay sa pitong tema ng Araling Panlipunan. Higit pang ginawang kaaliw-aliw ang tema ng mga aralin sa pagkakaroon ng integrasyon ng four learning areas ng MAPEH na pinag-ugnay sa mga gawain ng mga aralin na mas lalong huhubog at patuloy na lilinang at pauunlarin ang kamalayan ng mga-aaral habang tumataas ang baitang. Sa pagkakaroon ng integrasyon ng MAPEH ay mas lalong pinaigting ang iba’t ibang kasanayan tulad ng locomotor at non-locomotor skills, coping skills, manipulative, communication, interpersonal, creative, collaborative skills, at marami pang iba.
• Hitik din sa mga mapanghamon at kawili-wiling gawain na siyang lilinang sa higher-order thinking skills at huhubog sa iba pang kasanayan tulad ng pakikipagtalastasan, pagsasaliksik at pagsisiyasat, pagiging mapanuri, at pagkakaroon ng matalinong pagpapasya. Kinakailangan ang mga kakayahang ito tungo sa paghubog ng panghabang-buhay na kakayahang mag-isip (lifelong learning skills).
• Gumamit ng mga graphic organizer upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga paksa.
Mga Pagbabago sa Kurikulum

Linangan Tungo sa Maginhawang Lipunan Makabansa 1 Authors/Editors
Linangan Tungo sa Maginhawang Lipunan Makabansa 2 Authors/Editors
Linangan Tungo sa Maginhawang Lipunan Makabansa 3 Authors/Editors
Linangan Tungo sa Maginhawang Lipunan 4 Authors/Editors
Linangan Tungo sa Maginhawang Lipunan 5 Authors/Editors
Linangan Tungo sa Maginhawang Lipunan 6 Authors/Editors
Linangan Tungo sa Maginhawang Lipunan 7 Authors/Editors
Linangan Tungo sa Maginhawang Lipunan 8 Authors/Editors
Linangan Tungo sa Maginhawang Lipunan 9 Authors/Editors
Linangan Tungo sa Maginhawang Lipunan 10 Authors/Editors
Mga Bahagi ng Aklat
PAMBUNGAD NA YUNIT O UNIT OPENER: Makikita rito ang introduksiyon ng kabuoang yunit.
GAWAIN PARA SA YUNIT: Malalaman dito kung ano ang performance task na paghahandaan ng mga mag-aaral pagkatapos ng talakayan ng mga paksa/aralin sa ilalim ng nasabing yunit.
PANGUNAHING TANONG: Ang pinakamahalagang tanong na kailangang masagot ng mga mag-aaral pagkatapos ng pagtalakay ng mga aralin sa nasabing yunit.

PAGTATAYA SA SIMULA NG YUNIT: Pambungad na pagtataya na may layong mahinuha ang prior knowledge ng mga mag-aaral

PAMBUNGAD NG ARALIN O LESSON OPENER: Introduksiyon ng aralin
MAHALAGANG TANONG: Tanong na may kinalaman sa paksang tinalakay sa aralin

SUBUKIN NATIN: Gawain na susubok sa prior knowledge ng mga mag-aaral tungkol sa aralin at mag-uugnay nito sa mga bagong araling kailangang matutuhan. Nagsisilbi rin itong panghikayat na gawain

ALAMIN NATIN: Isang paraan ito kung saan mahihinuha o masusukat ang pang-unawa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot nila sa Mahalagang Tanong bago at pagkatapos pag-aralan ang mga paksa
DALOY NG ARALIN: Grapikal na presentasyon ng mga paksa sa aralin

BASAHIN AT UNAWAIN: Pormal na pagtalakay sa mga paksa ng aralin.

SULYAP SA NATUTUHAN: Mga tanong na may kinalaman sa paksang tinalakay na sasagutin ng mag-aaral bago tumungo sa panibagong paksa.

TANDAAN: Mahalagang bahagi ng batayang aklat na nagsisilbing paalala na may kinalaman sa kabuoang paksa
TULONG-KAALAMAN: Maaaring mahalagang paliwanag sa konsepto o dagdag na kaalaman na hindi kinakailangang kasama sa pangunahing teksto ngunit ito ay may kaugnayan sa paksang tinalakay
PAG-UGNAYIN NATIN- naglalaman ng integrasyon ng four learning areas ng MAPEH na may layuning makahubog ng mga mag-aaral na may pag-unawa sa sarili at kultural na kamalayan; malusog at malikhain, at may kakayahang makipag-ugnayan sa kapuwa

Pagpapalalim ng Pag-unawa sa Mahahalagang Kaisipan – Mga tanong o payak na gawain na may layuning palalimin ang pag-unawa ng mag-aaral sa mahahalagang paksa sa aralin
Pahalagahan Natin – Mga tanong o gawain na makahuhubog ng pagpapahalaga sa kagandahang-asal at pakikipagkapuwa.

Pagbubuod – Maaaring sa pamamagitan ng pagbabalita

Question & Answer type na pagbubuod

Fill in the blanks na uri ng pagbubuod

Trivia type na pagbubuod

SAGUTIN NATIN – Paper and pencil na uri ng pagtataya; gawaing makatutulong sa pagpoproseso ng kaalamanm at kakayahang inaasahang natutuhan mula sa aralin

GAWIN NATIN – Awtentikong pagtatasa na may rubric
Gawain pagkatapos ng bawat aralin na nagsisilbing remediation activity

PAGPAPAYAMANG GAWAIN – Gawain pagkatapos ng aralin na nagsisilbing enrichment activity
PAGSUSURI SA PAGKATUTO AT PAGSUSURI SA NATUTUHAN – Layuning malinang ang kamalayan ng mag–aaral sa pansariling paraan ng pag-iisip
– Tumutuon sa metacognitive na kasanayan o “thinking about one’s own thinking”

Pagsusuri sa Natutuhan – Paraan upang matasa ang sariling pagkatuto at ang pagkamit sa mga layuning inisa-isa sa pagsisimula ng aralin
Sa pamamagitan ng pagsagot sa tsart ay malalaman kung nakamit ng mag-aaral ang mga layunin para sa aralin.

GAWAIN PARA SA YUNIT – Gawaing tutulong sa mag-aaral na matanto ang kabuluhan ng kanilang pag-aaral ng yunit. Nakaayon ito sa Performance Standard ng Kurikulum

Sample Scope and Sequence

LINANGAN TUNGO SA MAGINHAWANG LIPUNAN
Serye sa Araling Panlipunan Baitang 4–10


MGA PAGBABAGO SA KURIKULUM

